Wednesday, August 18, 2004

Mga Sinaunang Griyego

Pambungad:

Ang makasaysayang pagtalakay sa pilosopiya ay nagsisimula sa mga sinaunang taong namulat sa daigdig bilang tigib sa mga paksa na kailangang pagtakhan. Utang ng kasalukuyang namimilosopiya sa mga kapuwa taong ito ang kanilang natanggap na karunungan, mga karunungang naitala't naitago ngunit buhay na buhay at angkop na angkop sa pang-aaraw-araw na pagsisikap ng tao na magpakatao. Ang mga sinaunang Griyego ang tinutukoy dito. Tumpak lamang na ang isang istoryador ng pilosopiya ay magbigay ng isang makisig na pambungad ukol sa mga taong naging gabay sa pag-iisip, pagkamatino, at pagpapakatao.

Pangkalahatang Layunin: Ang Sinaunang Griyego ay panahon ng pangingilatis ng mga sinaunang tao ukol sa kosmos. Ito ang panahon na nagtataka ang tao ukol sa kanyang mundong ginagalawan, ang lipunan, kabutihan at pagiging moral, ang kagandahan. Ang diwang Griyego nakipagtalaban sa iba't ibang kultura, isang mayaman na pagsasama ng samu't saring kaugalian, ang pinakamagaling sa buong sangkatauhan. Maaninagan ito sa paglalakbay ni Odysseus, pabalik sa kanyang tahanan, dala-dala ang kayamanan ng karunungang natutunan mula sa iba't ibang lugar.

Layunin ng kursong ito na subukang pasukin ang sanglibutang Griyego na namumukadkad ang pamimilosopiya mula sa bukal ng pagtataka sa meron. Maaring mamulat rin ang mga mag-aaral na sa pamamagitan ng pagmumunimuni, ang buong kasaysayan ng mga Sinaunang Griyego ay isang paglalakbay ng dalawang kaibigan, na ngayon lamang nagkasama, nagkakilala, nakikipagkapuwa. Ngunit kung tutuusin, angkop na angkop sila sa isa't isa -- ang katoto at katotohanan.


Layunin ng Kurso
:
Pagkatapos ng isang semestre, inaasahan na ang mag-aaral ay:

-makilala ang iba't ibang sinaunang Griyegong pilosopo.
-may sapat na batayang kaalaman ang iba't ibang uri ng pag-iisip Griyego, mga nakasanayang estilo ng pagmamasid, tradisyon at pagsusuring pilosopiko
-may batayan at kagyat na kakayahan upang makita ang pangkalahatang kultura ng mga Griyego, makipagsalubungan sa kayamanan ng wikang Griyego
-may kakayahang magmuni at bumuo ng mga salamisim na naglalagom sa kanyang karanasan bilang tao batay sa mga pamimilosopiya ng bawat isang Griyegong pilosopo, maiugnay ito sa kasalukuyang buhay.

Mga Hinihingi ng Kurso

1. Magkakaroon ng tatlong mahalagang pagsusulit. Ito’y mga sanaysay/papel ng pagmumunimuni ng gagawin sa loob ng klase hinggil sa natalakay nang paksa.
2. Sa katapusan ng semestre ay magkakaroon ng labinlimang minuto panghuling pabigkas na pagsusulit (15 mins. oral exam). Ito ay bubuo ng ikatlong bahagi (1/3) ng buong grado.
3. Mainit na hinihimok ang mga mag-aaral na makilahok sa pang-araw-araw ng talakayan sa klase. Ito’y upang mabigkas at maibahagi niya sa iba ang kanyang nakita at para na rin matulungan ang isa’t isa sa paghahanap ng katotohanan. Bukod pa rito, magkakaroon din ng pana-panahong markadong pagbibigkas (MP) na pakikibahagi sa klase. Ito nga’y mamarkahan ngunit hindi kasama sa pagtutuos ng marka. Titingnan lamang ito at ibibilang kung ang estiduyante ay nakakuha ng grading nasa pagitan ng dalawang grado (halimbawa A-)
4. Maari ring magtakda ang guro ng mga opsyonal na papel ng pagmumuni. Maaring para sa iang paksang maganda gawan ng magmumuni-muni (halimbawa, pelikula, dula, etc.) o kaya naman, kung nakikita niyang ito’y makakatulong sa pagpapataas ng grado ng mag-aaral.
5. May isang prinsipyo ang mga Heswita hinggil sa pagmamarka na gagamitin sa klase na tinatawag na “ex allude”. Kung may nakitang dahilan ang guro upang itaas ang grado ng estudiyante (hal. Mula sa F patungong D), ito’y kanyang gagawin. Sa kabilang dako naman, kung may nakikitang dahilan ang guro na ibaba ang grado ng estudiyante (mula sa C+ patungong C), hahayaan niya lamang ang mataas na grado.

Tatlong na Mahahalagang Pagsusulit (Three Written Exams)
Pagmumunimuni at Salamisim (Reflection Papers)
Markahang Pagbibigkas (MP) (Oral Recitation)
Pabigkas na Pagsusulit (Oral Examinations-15 minutes/student)


Mga Paala at Patakaran


- Pagliban at pagkahuli sa klase - magkakaroon ng dalawang roll call sa bawat klase: isa sa simula (pagkatapos ng panalangin), at isa nama’y pagkatapos ng unang sampung minuto. Ang taong wala sa unang roll call subaalit nakarating sa ikalawa ay bibigyan ng katlong bilang pagliban (1/3 absence). Yaon naming mga taong wala sa parehong roll call, ay bibigyan ng isang pagliban (1 absence). Inaasahan ang lahat na maging tapat sa pagpasok sa klase. Ang mga lumampas sa 10 pagliban ay bibigyan ng grading FD para sa kurso.
- Pag-uusap nang wala sa lugar - inaasahang ang mga estudiyante na panatilihin ang katahimikan sa klase. Ang pagbubulungan at pagpasa ng mga sulat ay mahigpit na binabantaya’t ipinagbabawal. Maari naming magsalita ang isa kung kinakausap siya ng guro. Kung may nais itanong sa guro, kailangang itaas muna ang kanang kamay. Hintayin ang pahintulot ng guro bago magtanong.
- Paglabas sa klase - kailangang itaas ang kaliwang kamay bago lumabas sa klase. Hintayin ang pahintulot ng guro bago lumabas.
Pagkain at inumin - pinahintulatan sa klase sa isang paraan na tahimik at hindi nakaka-isturbo sa mga kaklase.