Saturday, December 18, 2004

First Grading Examinations

First Grading Examinations

(1) Pumili ng mga labi na magkakaugnay sa ikalawang yugto (Herakleitos) ng teksto: Sinaunang Griyego ni Roque J. Ferriols, SJ (tingnan sa Library Fi/180/F393). Ipangkat pangkat ang mga labi upang maaring ihanay ito sa isang pamagat.

(2) Gumawa ng isang makisig na pagmumunimuni sa Filipino ukol sa mga napiling mga labi, lagyan ito ng pamagat. Hindi na maaring gamitin ang mga pamagat sa libro ni Padre Roque Ferriols, SJ tulad ng "Logos," "Halus Ganito," "Pag-aangkop," atbp. Gagawa dapat ng panibagong kombinasyon ng mga labi na nakahanay sa isang pamagat.

(3) Ang pamumunimuning iyong isusulat ay dapat hindi pa nabanggit sa libro. Isa pa, hindi ito dapat iyong opinyon o opinyon ninuman kundi sa kaya ng iyong maiisip ano ang pinakamatinong pagmumunimuni ukol sa mga labi ni Herakleitos, na kahit ang sinumang mang tao na makakabasa ng iyong sinulat ay magsasabing "Oo nga, totoo ang sinasabi niya." Kaya ang iyong isusulat ay hindi isang personal na opinyon, kundi isang matinong pag-iisip at pagmumuni ukol sa isang tao noong unang panahon na nag-iisip rin ng matino gaya mo.

(4) Ipasa ang iyong naisulat sa pamamagitan ng e-mail. Huwag ipadala ng iyong "file", kundi gumamit ng prosesong "cut and paste" mula sa iyong file papunta sa iyong outbox (mail). Sa pamamagitan nito, teksto (text) lang ang iyong ipapadala sa akin at hindi virus. Ipadala ang iyong sinulat sa jseliab[at]gmail.com. Gumamit ako ng "[at]" sa halip na "@" sapagkat may mga taong nangongolekta ng email address dito at pupunuin nila ang iyong mailbox ng tungkol sa mga gamot tulad ng viagra at vincodin. Iyon ay pag-iingat lamang.

(5) Maligayang pasko.

Thursday, December 09, 2004

Herakleitos

Nasa Cagayan de Oro ako sa Sabado, 11 Disyembre 2004. Inaayos pa ng Dibisyon ng Pilosopiya ang panoorin ninyong Documentary ukol sa Sinaunang Griyego: "The Crucible of Civilization."

Takdang Aralin:

Basahin ang ikalawang yugto ng Sinaunang Griyego: Herakleitos

Monday, December 06, 2004

Join the Greek Philo Class List

Maaring makisali ang mag-aaral sa eList ng klase. Lahat ng babasahin, artikulo at mga takdang aralin na ilalathala dito ay ipapadala sa iyong email address kapag kasali ka sa eList. Maari nang i-print ang mga ito mula sa iyong inbox.



Subscribe to Sinaunang Griyego eList




Powered by groups.yahoo.com